Philippines
Paulit-Ulit ang Landslide, Paulit-Ulit ang Gastos: Tunnel na ba ang Sagot ng Pilipinas sa Mga Kalsadang Sinisira ng Kalamidad?
MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pinsalang dulot ng malalakas na ulan, pagbaha at pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar, pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan ang paggamit ng tunneling technology bilang alternatibo sa tradisyunal na paggawa at paulit-ulit na pagkukumpuni ng mga kalsada. Iminungkahi ni Presidential Adviser for Cordillera Affairs Assistant Secretary Antonio Tabora na seryosong ikonsidera ng gobyerno ang pagtatayo ng mga tunnel, partikular sa mga mountain road na paulit
