Politics
₱10-MILYON AT 1,706 BENEPISYARYO: Vice Mayor at Dating Mayor ng Magalang Kinasuhan sa ‘Ghost Housing’—Pero Saan Napunta ang Pondo?
MAGALANG, PAMPANGA — Umabot na sa Office of the Ombudsman ang kontrobersiya sa isang umano’y “ghost housing project” sa Magalang, Pampanga matapos magsampa ng iba’t ibang reklamo laban kay incumbent Vice Mayor Eller Pecson at dating Mayor Romulo “Romy” Pecson. Sa tulong ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), inihain ang reklamo kaugnay ng housing project na sinasabing inilaan para sa mga mahihirap na pamilya ngunit hindi umano natuloy sa inaasahang konstruksyon. Kabilang sa mga rekl
