Philippines
Bagong-Silang na Sanggol, Tinangay sa Ospital sa Pampanga—Babaeng Suspek Nasakote, Sanggol Nasagip
MABALACAT CITY, PAMPANGA — Isang bagong-silang na sanggol ang umano’y tinangay mula sa isang ospital sa Mabalacat City, Pampanga, habang natutulog ang mga magulang nito—ngunit mabilis na nasagip ng mga awtoridad ang bata at naaresto ang babaeng itinuturong suspek. Ayon sa ulat ng GMA News noong Agosto 26, sinabi ng Mabalacat City Police na nangyari ang insidente makalipas ang 1 a.m., nang kunin umano ng babae ang sanggol habang natutulog ang mga magulang. Sanggol isinilid umano sa eco-bag Ba
