Business
Dating Construction Worker na ₱150–₱₱200 Lang ang Kita, Ngayon 5-Digits Araw-Araw—Ano ang Nagpabago sa Buhay Niya?
Bulakan, Bulacan — Mula sa pagtatrabaho bilang construction worker na kumikita lamang ng humigit-kumulang ₱150 hanggang ₱200 kada araw, ngayon ay umaabot na sa five digits kada araw ang kinikita ni John Cea mula sa kaniyang patok na negosyo ng Chinese-style chao fan. Itinampok ang kuwento ni Cea sa isang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, kung saan makikita ang mahahabang pila ng mga bumibili ng kaniyang chao fan sa Bulakan, Bulacan. Ang ordinaryong order ng kaniyang chao fan ay nagkakahalaga
